This guy is a Gemini

February 25th, 2008

May Isang Sundalo @ CCP

May Isang Sundalo

by : Rene O. Villanueva 
Directed By: Adrian Ramirez 

 

Grabe! after 2 weeks of rehearsals, readings, at puyat, naipalabas na rin namin ni Ate Ike ang 'May Isang Sundalo'. It's part of CCP's Simbuyo 2: University Theaterfest. Apat yung participating schools, PUP's Molave Theater Guild, CEU's Dramatic Guild, UST's Teatro Tomasino, at syempre, DLSU's Harlequin Theatre Guild.

Noong Feb. 3 nagkaroon ang CCP ng Pasinaya 2008. Parang Open house siya sa lahat at simultaneous yung mga nangyayari sa bawat place sa CCP. Ayun, yung apat na university theater groups ay required magpakita ng "SNEAK PREVIEW" sa mga manonood kung ano yung makikita nila sa play namin this coming Simbuyo Week (Feb 13 - Feb 16). Since hindi pa namin memorized yung script, excerpt lang talaga yung nagawa namin nila Sir Adrian. Ako, tatlo lang yung linya ko e. hahaha. "Hindi ka na ba babalik sa isla?", "Pareho pala tayo.", "Gabi na.".. ahahaha.. ang dami, tapos nun, exit. ahehehehehehe..

Dahil sa mga quizzes ko sa school, laging nadedelay ang aming mga rehearsals, lalo na kapag 6pm yung quiz ko. kaya ayun, medyo naghahabol tlga kami. kung tutuusin, 1 week lang tlga yung rehearsal namin. ayon, minsan pa nga, pumunta kami sa bahay ni  Sir Adrian para magread at mag unitize ng lines. Astig yun. Free food! ahehehehe...

 May mga times na habang nagreread, nakakabore pero nung may blocking na, medyo nagegets na yung storya. For me, isa itong mahirap na play kasi sanay ako sa mga comedy at wala sa character ko yung magdrama-drama. Pero ayun, na push thru pa rin. pati kissing scene. Nung una, medyo awkward kasi hindi pa ako nakakahalik sa labi. Pero yun, wala namang malisya kaya nakayanan. ahahahahaha. At least magaling c ate ike.

 Wahahahaha! ang saya! nung Feb 13 yung unang show at maayos naman. sabi nila, maganda daw pero xmpre hindi ako naniniwala. May nagawa kasi akong internalization sa rehearsal na hindi ko na nagawa two shows na naipalabas namin. Anyway, masaya naman. ahahaha.

 Actually, masayang-masaya ako sa experience na nakuha ko with this Simbuyo. Nakapagmeet kami sa ibang theatre orgs na ibang schools. Andaming nalaman from them na pareparehas lang din naman ang problema at needs ng bawat org. bonding moments with CEU. ahahaha.

At ang masaya pa, 8 lang kaming tao ang nandun sa production pero natuloy pa rin siya. lahat kami tulong-tulong sa prod work at kung ano ano pa. Si Kuya Gerol, Ate Kuan, Sir Adrian, Ate Ike, Kuya Kiko, April, Marc M., at ako. nyahahahaha. Kaya pala ng 8 tao lang ang isang production, yun ung narealize ko.basta gusto ng tao ang ginagawa niya, gagawin nya un.

Isa ko pang natutunan, lalo na sa acting ay galing kay Sir Adrian. "Wag na wag mong bibitawan yung linya hanggat hindi mo yun nararamdaman; otherwise, hindi mo siya nabigyan ng justice." Astig yung advice na yun, oo nga naman, paano magegets ng audience yung storya kung ikaw mismo ay hindi makagets nun.  

Ayun, overall, masaya yung experience at sana next year, may iba pang bagong projects na ganito. ahehehehe 

 

 

Posted by moonwick at 06:02 PM | Mga Napadaan

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links